Okey lang namang umulan nang malakas ngayong gabi at magkaroon pa rin ng pasok bukas. Ang ayoko lang ay super duper lakas ng ulan at sinamahan pa ng hangin tapos ilang oras/minuto na lang ay papasok na ko. Nakakatakot kasing lumabas ng bahay kapag ganun eh. Lalo na kapag monday kasi ang dami kong dala tapos may hawak pa kong payong at tatantyahin ko pa kung nasan yung direksyon ng hangin para hindi bumaligtad yung payong ko. Ang problema naman dun ay medyo magulo ako humawak ng payong. Hehe.

Kaya kung uulan man nang napakalakas bukas at malapit na kong pasok, sana isuspend na. Hindi dahil sa katamaran ko o dahil sa ayokong pumasok kasi may PE kami kundi dahil nakakatakot eh. Ang hirap ding sumakay nun, may dalang payong at paper bag. Nakakaloka yun. Tsaka, nakakasira pa ng sapatos. Yung safety din ng estudyante. Pati na rin yung bahang daanan. Kaya ayun.

At sa mga humihiling na sana bumagyo o umulan nang malakas para masuspend ang klase, jusko, wag na lang kayo pumasok kung ganun man lang. Ibang usapan na yun eh. Kung ayaw pumasok, wag nang hilingin pa na bumagyo o lumakas ang ulan. Marami ang napeperwisyo dun.