Grabe. Wala pala kaming pasok ngayon. Ay hindi, hindi ko pala alam kung may pasok kami o wala. 

Nagpost kasi ang TIP kagabi na may pasok na kami ngayon. Tapos, nagtext ang mga kaklase ko kaninang umaga na naiinis sila kasi sinuspend ang klase. Nakarating na sila sa school nang malaman nilang suspended ang klase. Kaya ayun, nag-internet ako para malaman talaga.

Nakapost sa FB page ng school na sinuspend na nila yung klase pagkatapos magsuspend ni Mayor Lim ng klase sa college. Pero sabi ng mga schoolmates ko sa comment dun na hindi naman agad nagsuspend ang school ng klase nang magsuspend si Mayor Lim. Kumbaga, nang magsuspend si Mayor Lim, after ilang hours, saka lang nagsuspend ang school. Magulo sa school pagdating sa suspension ng mga klase. Kahit nagsuspend na si Mayor Lim, tuloy pa rin ang klase sa min. (Dahil daw kasi autonomous ang school eh.)

Nakapost din sa official twitter account ng TIP na suspended na nga pero, sinabi din nila dun na nakadepende na sa department kung may klase o wala.

O diba, ang gulo nila. Naguguluhan tuloy ako. 4:30pm pa kasi yung klase ko ngayon eh. 

Nga pala, mukhang nabasa ng Admins yung mga hinaing ng mga estudyante kaya may pinost sila sa Twitter tungkol dun:

Totoo naman yung sinabi ng TIP kasi grabe yung ilang estudyante eh. Hindi naman sa apektado ako pero alam kong gusto ng TIP na magklase. At naiintindihan ko naman yung sinasabi ng iba na nasayang yung pamasahe nila at effort, etc. Pero, ang problema kasi sa iba ay masama na talaga yung sinasabi sa school eh. Yung mga tipong slow-minded daw yung TIP, wala daw pakialam sa estudyante at etc. Pangit naman yung ganun.

Kaya kung biglang magklase ngayon, sana abisuhan agad kaming mga estudyante.

  1. wewtalaga posted this