Nakakainis.
Parang nagkahalo-halo na yung mga lessons sa utak ko. Parang ayaw ko munang mag-aral saglit. Ang dami kasing pinapagawa eh. Nakakainis. Nakakapagod. Yung apat na araw na walang pasok, hindi rin naman ako nakapagpahinga. Mas napuyat pa nga ako nun eh. At ang pinakanakakainis pa ay yung prof namin sa Philo. Nung wednesday kasi, sinesermonan niya kami, na wala daw kaming ginawa nung walang pasok kundi kain, tulog at gala, na hindi daw kami nag-aaral at mga tamad daw kami. Mga ganung tipo. Nakakainis lang kasi grabe naman siya para sabihin yun. Nakakainis. Hindi lang nagawa yung report ay yun na agad ang sasabihin niya. Tsaka hindi pa naman yung grupo ko ang dapat magreport eh. Actually, panghuli pa nga kami kaya hindi ko pa inaasikaso yung report namin. At dahil dun, inuna ko muna yung mga assignment na unang ipapasa. Kaya nga yung ginawa ko nung 4 na araw na yun ay nagsearch, nagsulat tapos engineering lettering pa dapat, nagsearch ulit, nag-aral at nagsolve. Nakakapagod din ah. Ang sakit sa kamay tsaka nakakapiga ng utak. Hehe. Calculus kasi yun at parang problem set na yung binigay sa min.

Hayy. Okay lang naman na sermonan kami ng ganun pero wag niyang lahatin. Nakakainis talaga. Napre-judge kami eh. Hayy. Makagawa na nga lang ng pesteng report sa Philo.al