Posts tagged ang daldal ko.

May na pala. Ilang weeks na lang, matatapos na rin ang summer classes ko. Yehey! :DD

Tapos pupunta sila Mama sa Baguio sa Sabado kasi mainit daw dito. Actually, hindi ako kasama pero okey lang. Kakapunta ko lang nung Feb eh. (BTW, hindi sa Baguio ang probinsya namin.) Tapos finals na. Bigayan na ng grades at enrollment na naman. Sa wakas, makikita ko rin ang mga friends ko last sem (kung sasabay sila sa kin). Tapos, swimming na! Darating din ang bday ng kapatid ko, ni lola ko sa mother side at ng kapitbahay ko. Pati pala ng ninong ko. Hihi. At sa 29, darating na si Father Duck!! :DD 

At hindi ko mamamalayan na June na at 2nd anniversary na ng blog ko. :)

Good night na nga. :D

1 year ago on May 03, 2012 at 11:13pm