Hi guys! :)
Dalawang araw na rin akong hindi nakakapagtumblr. At dahil dun may unfollowers na naman. Hindi naman ako nalulungkot o ano kasi may karapatan silang gawin yun tsaka baka naman hindi talaga nila ako in-unfollow at nagdeact lang sila. Uso kasi ang pagdedeact ngayon eh. Hehe. Ang ayaw ko lang ay yung feeling na tinatamad na kong magtumblr. Hindi na ko excited magtumblr hindi tulad ng dati na kulang na lang ay buong araw na kong humarap sa computer para lang magtumblr. Siguro din kasi naglalaro ako ng Persona ngayon sa PSP kaya wala akong ginawa kundi maglaro nang maglaro.
Tulad ng sabi ko kanina, naglalaro ako ng PSP at naadik na naman ako. These last two days, ilang oras na kong nagbababad sa paglalaro. Mga 4-7 hours straight akong naglalaro. Nakakainis nga kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko. Actually, yung game na nilalaro ko ay panglimang beses ko na ng paglalaro. Mas ginanahan akong maglaro ngayon kasi kakaiba yung feeling eh. Yung feeling na parang 1st time ko pa lang to nilaro. Siguro kasi ilang buwan na kong hindi nakakapaglaro.
Hayy. Sana kahit papano ay mapigilan ko ang pagkaadik ko masyado sa laro. :)

