Posts tagged personal101.

While on Twitter…

A fan of Daniel’s retweeted. Another fan of him (also) replied…

Is it wrong that I replied her? 

Syet. Naiiyak ako dahil sa galit. Nabura lahat ng files ko sa flash drive ko. Okay lang sana kung ako ang may kasalanan eh, kaso ang may kasalanan ay ang kapatid ko. Ang kapal pa ng mukha. Siya pa ang may ganang magalit dahil andun daw yung powerpoint presentation niya na gagawin sa report. Siya, yun lang ang iisipin. Eh ako? Lahat ng files dun bukod sa kanya ang iniisip ko! Andun lahat ng documents ko! Binura ko na sa laptop kasi ayokong mapuno kaya lahat ng document files ko ay nasa flash drive. Andun din yung mga kanta ko. Lampas 1 GB yun. Andun din yung mga pictures, movies at anime. Grabe. Halos lahat ng kailangan ko ay andun!

Tsk. Sinasabi na nga ba eh. Kaya ayoko talagang magpahiram ng gamit lalo na ang flash drive kahit mga kapatid ko pa ang nanghihiram. Wala akong tiwala sa iba. Kaya pala, kaninang hapon ko pa gustong makita yun, yun pala, nawala ang  mga files. Ang pinakamasklap pa dun ay binigay niya sa kaklase niya (ang may-ari ng laptop na dahilan kung bakit nagkavirus ang flash drive ko) ang flash drive para marecover. Tanga lang te? Hindi na marerecover yun. Pesteng laptop na yun. Masira na sana yun. Tanginang yan. Nakakainis. Nakakabadtrip. 

Syet. Nakakainis talaga. Mukhang matutulog ako nang galit. Ang dami ko na ngang problema, dumagdag pa yun. Taena.

Hayy.

Gusto kong magblog ngayon pero mukhang hindi ko ata magagawa. (Ang gulo no? Nagbablog na ko ngayon eh. Hehe) Ang ibig kong sabihin ay sandali lang ako makakapagTumblr. Busy eh. Midterm week na namin. Kailangang magsipag.

Hayy.

Ang ganda ng Xkit. Ang astig. Naamaze ako. Hehe. Expected ko kasi na magkatulad sila ng Missing e. May similarities sila pero maraming differences. Sa Xkit, extension na nga siya, meron pa ulit siyang extension. At ikaw ang magdedecide kung gusto mong ilagay yung extension na yun o hindi. Maganda siya kasi mas personalized. Kung babaguhin siya lahat, maraming dapat ayusin pero okay naman. :)

(Syet. Para akong promoter ng Xkit ah. Hahahaha!)

imageBinago ko na yung extension ko para sa Tumblr. Nakakapanibago. Xkit na siya eh. Nagdownload din ako ng Keyboard Shortcut (yung keyboard na logo sa kaliwa ng Xkit) at yung Post To Tumblr (yung ptt. na logo na katabi ng S logo).

Yung sa Keyboard Shortcut, eto yung functions niya:

image

Siguro naman, may idea ka kung ano ang gamit nyan. ;))

Yung Xkit naman, di ko pa sure kung ano ang ibig sabihin ng number 2 sa kanya. Kapag inopen ko siya, settings niya  ang lalabas. Eto yun:

image Hindi ko pa alam kung ano-ano talaga yung mga yan. Hindi ko pa kasi inaayos yung settings niya. 

Yung sa Post To Tumblr, hindi ko pa alam. Ibablog ko na lang next time kapag alam ko na.

Kung yung sa logo na S ang tatanungin mo, Stylish yan. Yan ang dahilan kung bakit iba ang icons ko. Kaya, ganito ang itsura ng Tumblr ko (hindi yung mismong profile ah):

image

Yung icon na may number 6, pang-dashboard yun. Tapos ayun. Ganun pa rin yung gamit ng mga icon pero itsura lang pinagkaiba. Marami pang style ang meron sa Stylish. Kailangan mo lang maghanap. Hehe. Kapag yung logo naman niya ang pinindot, eto ang lalabas:

image

Ayan. Nakalagay diyan ang mga styles sa Stylish na meron ka. Anjan din kung naka disable o enable. Yung edit, nakalagay dun kung sa Tumblr mo lang ba makikita yung style na yun o kung sa iba pang site. Sa pagkakaalam ko, pwede ring i-edit dun yung code. 

So ayun. Yun ang laman ng aking Tumblr. Ang kulit no? Ang post na ito ay para sa Xkit lang dapat pero sumegway pa. Hehe. Nagtour. :D

I think I’m gonna remove Missing e for awhile. The extension is very useful but since Tumblr changed the way they post and reblog, the extension wasn’t that useful for me than it was before Tumblr changed. I can’t reblog just by clicking once and the likes. But, the bookmark and the other things are still helpful. But I guess, the reblog part is the most important and functional for me. I’m gonna try other extensions like the Xkit. I’m not gonna remove  Missing e in my browser but I’m just gonna disable it.

So, goodbye Missing e, for now. :)

May Instagram nga pala ako. Hehe. Share lang. Hindi ko na sasabihin kung anong username. Ayokong tumulad sa iba na “Follow me on Instagram” chuva. Parang inuutusan ka na ifollow mo, pasimple nga lang. Hehe. Parang sa Twitter din. Kaya ayokong ilink yung mga account ko dun dito eh. Pero lahat sila may nakalagay ng link dito sa Tumblr ko, except Facebook. Masyadong maraming peke sa Facebook eh. Ayokong guluhin nila ang buhay ko dito. :)

Bakit nga ba napunta dun ang usapan?

February 8, 2013

Ngayon ko lang napansin yung Tumblr Stats ko. Ang kulit. 12, 500 posts. Ang dami na pala talaga. Kung sabagay, magta-tatlong taon na ko dito. Yung followers naman, weird, 666. Ang dami ko na rin palang finafollow, nilalike na posts at yung drafts na magulo. Kaya ayokong mag-exchange blogs eh. Ang gulo ng drafts ko. Actually, yung buong blog na. Hehe. Nakakahiya. :)

Oh well. Happy 12, 501th post! :DD

Habang naghahanap ng kung ano-anong pages sa Facebook, meron akong nakitang Doodle page. Nakakatuwa. Namiss kong magdrawing. Simula nang masira yung cellphone ko, hindi na ulit ako nagdrawing. Actually, hanggang ngayon, hindi ko pa siya napapaayos. Ang dami ko kasing ginagawa. Ang mahal pa. Kaya ayun.

Kailan kaya ulit ako makakapagdrawing ulit?

“Your beautiful face, I hate it.”

Hindi ko alam kung san ko narinig ang linyang yan pero dahil dyan, namotivate akong magsulat ulit. Gusto ko ult gumawa ng kwento! :) Matagal-tagal ko na ring hindi nabubuksan ang Wattpad ko at sa tingin ko, mabubuksan ko na yun ulit this week. Ibig sabihin, magsisimula na ulit akong magsulat.

Tatlong story ang gusto kong isulat. Yung synopsis palang niya ang nasa isip ko ngayon at yung dalawang story dun ay hindi ko pa naisusulat. May nasimulan na ko pero isang story palang yun. Ayoko munang ipost yun hangga’t hindi pa tapos. At sa tingin ko ay maipagpapatuloy ko yun ngayon kasi wala naman akong pasok bukas. Sa Monday na ulit.

Ayun. Nakakainspire lang ulit. :)